Friday, January 16, 2009

Proud to be PINOY!

Siomai, taho at dunkin donuts...ilan lang ang mga ito sa pinoy foods na miss ko nang kainin sa 'Pinas. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng malayo sa ating bayan. Kahit na sabihin mo na kaya mo naman gawaan ng paraan para makain ang mga pagkaing katulad nito iba pa rin ang panlasang Pinoy. haaaaayyyssss...kamiss talaga.
Naalala ko sa 'Pinas bata pa lang ako yung magtitinda na ng taho ang inaabangan namin sa umaga.Kukuha kami ng sari-sariling baso na magpipinsan para mas madaming mailagay si manong. Tapos kanya-kanyang tawad sa syrup o kaya sa sago. Sabay halo ng kutsara o yung iba mas gusto na hindi nahahalo. Hanggang sa magka-anak ako, taho rin ang inaabangan naming mag-ina sa umaga lalo na pag-weekend. O d b nakakaaliw yun?
Dunkin Donut ang " Pasalubong ng Bayan", remember? alam ko hanggang sa generation ngayon yan pa rin yung click na pasalubong. Sobrang espesyal kapag yan ang isinalubong sayo ng kahit sinong kapamilya mo. Kahit ilang piraso nga lang ng munchkins solved na tayo di ba? At sino namng makakalimot sa siomai ng Chowking..( di ako nag-aadvertise ha...)w/kalamansi and toyo...oh my..buo na ang araw ko noon pagyan ang tanghalian ko o merienda. Sobrang enjoy na.Simpleng mga pagkain pero pag-naalala ko yung mga memories na ganyan yung mga ngiti sa mukha ng mga taong kumakain nito ang nag-reregister sa mind ko. Likas na talaga sa ating mga Pinoy ang makainin lalo na pag-sama-sama ang buong pamilya.

Dito sa ibang bansa sa mga hindi po nakakaalam meron din namng mga Pinoy stores kung saan mabibili mo rin naman ang mga ilang pagkaing namimiss mo sa Pinas pero mahal nga lang. Baka magulat kayo pati si Boy Bawang nakakarating dito sa Europa..malamang ganun din sa Amerika at ibang karatig bansa. Ay ang Pinoy nga naman kahit saang parte ng mundo nakakaabot.

Ulitin ko po hindi ako nag-aadvertise kahit na ganyan ang trabaho ko noon sa Pilipinas. Ang kausapin ang malalaking kumpanya upang mag-advertise sa radyo, tv o di kaya'y sa dyaryo. Pati rin sa mga billboards and lampost.

Marami...maraming bagay sa Pinas ang hindi pwedeng hanap-hanpin ng mga taong nasa ibang bansa. Kahit sabihin na ilang taon na siyang nawala ...babalik at babalik pa rin ( sounds familiar? ) sa sariling bayan. I'm Proud to be a PINOY! MABUHAY TAYONG LAHAT!!!

It's worth waiting...

I have always been the eldest for longest time. The eldest daughter,sister,cousin and grand child. I'm a lucky girl because I've experienced so much attention, love and care from my parents and grand parents.

Life for me has been so kind to me since I was a child until now. I'm not a demanding person (as far as I know) but I always get what I want. I used to devote my energies in school, community and church activities.Not knowing my real purpose. I had fun meeting and hanging up with my friends. And then when I entered the real world I devoted my time in my career aiming to be the best I can be. So overall, Ican say that I had an easy life. Thanks tou you O Lord.

I'm a person with so many dreams for myself and for my family that's why I tried my best to be a straight person.But hello, let's face it...nobody's perfect.Without all those mistakes, wrong moves and decisions..you can't say that you're having a good life.Because from there you'll learn what life is all about and how good are you as a person. Same as with the problems that coming into your way...but my ultimate dream is to have a family that I can be proud of and who will always be with me in time of sorrows and happiness.Hence, I've decided to lift up everything to God including the MAN whom I will give and trust my heart and my whole life. A man who will share with my journey. Never did I know that, that MAN, that special person will be my highschool friend in CAT. We sealed our promised forever love for each other in front of the Lord right after he passed his board exam as a Geodetic Engineer.(poor parents of him, I took him right away from them).

My life changed in a blink of an eye. Suddenly, I have my husband Jeff who's really a good provider and who thinks of our future and dreams for our beloved sons Justin and Jeoff. They are MY LIFE now...

My life became complicated (in a way that this time I'm not only thinking of myself) but it is really beautiful. I found my real purpose. That after a long waiting...God has another purpose for me, A BIGGER one.

There are so much that I am grateful...my husband that I adore and who adores me back a thousandfold. Our 2 little angels who lights up our lives, our sunlight and our joy. They will be a forever reminder that I am indeed a very strong and brave woman. My family and in-laws who is so loving and supportive. My sister Zarrah who's also my inspiration.My true friends whom I had spent my growing days with and were still with me despite our different lives and careers. And most of all, GOD ALMIGHTY, who blessed me with everything that I need and wanted.

My life isn't perfect yet it is so close to perfection because more than anything I have my real treasures in life...:-)

Wednesday, January 14, 2009

Balik-Tanaw

Umaapaw sa galak ang puso ko na matagal na naging uhaw sa pagsusulat. Di magkanda-maliw ang mga kwento at boses na naglalaro sa isipan ko. Salamat sa aking kaibigan na si che na muling pumukaw sa aking matagal na pagkakahimbing. Muli kong narinig ang tinig ng maliit na tao sa loob ko na matagal ng sumisigaw na " Palayain mo ako!Kailangan mo ako!Ako ang iyong kasiyahan! Ako ang iyong puso at kaluluwa! dahil sa ayaw at gusto nila Ikaw ay isang MANUNULAT!(ang taray!)

Noong bata pa ako,ang kadalasan kong laro ay ang pagharap sa harap ng salamin at ang pag-arte ng iba't-ibang eksena na naglalaro sa isipan ko. Kasabay noon ang pagbibihis ko ng samu't saring kasuotan gamit ang damit at sapatos ng nanay ko. Alam ko sa sarili ko na gusto kong umarte sa entablado dahil ito ang talentong alam kong ibinigay sa akin. Kaya malimit sa mga beuty contest na sinasalihan ko pag-arte ang nagiging talent presentation ko.( di pa nddevelop ang singing voice ko that time & it doesn't mean na matigas katawan ko ha! - defensive..bwahahaha!)And take note:wala pa akong beauty contests na sinalihan na hindi ako ang nanalo, kasali din dun ang JS prom ha.Bigla ba nagulo buhok nyo sa lakas ng hangin? Pagbigyan nyo na ako 'no! Minsan lang ako maging proud sa sarili ko!:-)

Hilig ko na rin ang pagsusulat.Tuwing may presentation kami sa klase nung elementary ako hanggang college hindi pwedeng hindi ako mkikigulo. Kulang ang buhay kapag hindi ako nakialam.Dahil alm ko sa sarili ko na may maitutulong ako. Naalala ko tuloy nung highschool pa ako,kasali ako sa Ms. Ecology namin, as usual beauty contest pa rin...ciemps w/brains ka rin dapat. Ayun ang mama ko natataranta dahil ilang araw n lang ang contest pero wala pa rin akong maayos na talent number. Samantalang yung mga kalaban ko, panay ang kuha ng mga bading na propesyonal na magtuturo sa kanila ng iba't-ibang talento(di yun applicable sa 'men..limited lang ang budget namin). abi ko nga kaya ko rin namang sumayaw at kumanta kaso di ko feel plus the fact na baka panalo na sana...natalo pa dahil sa pagkanta(hahahaha). At tsaka yun nga mas feel ko pa rin ang umarte...kaya yung mismomg araw na natataranta nanay ko kaagad kong hinarap ang ballpent at blankong papel. Saka pinagana ag aking imahinasyon...isang upuan ko lang at natapos ko ang kauna-unahang declamation piece na nagawa ko.

Tungkol yun sa isang babaeng mababa ang lipad na nagtatanong sa mga taong hu,muhusga sa kanya kung sino sa kanila ang walang kasalanan. Kung kasalanan ba niya nag mapadpad sa ganoong klaseng trabaho matapos siyang maloko ng taong inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng maayos na trabaho sa ibang bansa. Kung kasalanan niya ba na maaga silang naulila sa nga magulang kung kaya't kailangan niyang kumilos at tiisin ang trabahong kailanman ay di niya ginusto para lang mabuhat at mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang mga kapatid.

Ang sunod namang declamatin piece na naisulat ko ay tungkol sa isang bata na taga-Olongapo na si Bernadette. Sa murang idad niya ay di niya maintindihan kung bakit iba-iba ang lalake na kinakasama ng nanay niya. At sa tuwing itatanong niya kung sino sa mga iyon ang tatay niya...ang laging sagot sa kanya ay "basta, Amerikano ang tatay mo!".

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun ang mga tema ng mga isinusulat ko masyadong malalim, madrama...yung tagos sa puso ng mga manonood. Gusto ko kapag narinig nila ang istorya yung maaantig ang mga damdamin nila at mismo sila ay madadala hanggang mapaiyak ko rin sila. Pero pagdating namn sa pagsusulat ng mga play o dula light lang ang istorya na isinusulat ko. Gusto ko namn yung ma-eentertain yung mga manonood...yung mkikita ko silang nag-eenjoy at pagkatapos ng palabas ay may aral silang mapupulot.

Ano nga kaya ang naging buhay ko ngayon kong tinahak ko ang landas ng pagsusulat...Siguro co-writer n ako ng aking idol na sina MR. RICKY LEE at OLIVIA LAMASANG. Sarap siguro ng feeling yung makita ko pangalan ko ulet sa tv or cinema screen.Who knows??? I'm still young and nothing is impossible...

pahabol lang...alam nyo ba na isa ako sa mga pumila ng pagkahaba-haba sa ABS-CBN noon para sa scriptwriting workshop nila...di lang ako pinalad. At noong may pagkakataon na, nakasali ako sa scriptwriting workshop sa UP Diliman naging hindrance namn yung trabaho ko. Ganun din ang nagyari nung tinawagan ako ng Star Cinema kasalukuyang nasa Cebu ako dahil rin sa trabaho. Siguro di ko pa time yun o pedeng hindi para talaga sa akin.Okay lang, masuwerte pa rin ako dahil naigyan naman ako ng chance na makapg-work w/ Direk Gina Alajar and w/other big stars. Karangalan ko yun. Dito na lang ako bawi..hanggang dahan-dahan pa lang ulet ako lumalabas sa aking lungga.:-)

Thursday, December 18, 2008

The Awakening...

"It's NOW or NEVER!" Oo,kapag hindi mo ito inumpisahan sa madaling panahon baka maging huli na ang lahat. Tandaan mo ang buhay ng tao ay hiram lang natin sa Poong Maykapal. Hindi ka pwedeng humingi ng palugid o di kaya'y isa pang pagkakataon. Kahit gaano ka kabait o kasamang tao, asaan ka man o anumang ginagawa mo, kapag oras mo na, oras mo na! Tanging siya lang ang nakakaalam kung hanggang kailan tayo hihinga at mananalagi sa mundong ito. Kaya kung ano man ang plano mo gawin mo na habang may panahon ka pa...para walang pagsisisi, panghihinayang o pagkalungkot sa huli mong sandali.

Ako kaya, kapag namatay ako ano kaya ang magiging hitsura ko sa loob ng kabaong? Nakangiti kaya ako o nakasimangot? Parang nakakatakot naman ata yun. Ilang taon kaya ako noon? Madami kayang makikiramay at makikilibing kapag oras ko na? iiyak kaya sila? sa anong dahilan? dahil sa pakikisimpatiya lang o dahil sa nanghihinayang sila sa akin? O dahil mahal nila ako na kahit paano naging mabuting tao rin ako? gaano kabuti? natulungan ko ba sila? mamimiss kaya nila ako? Yung mga taong hindi ko sinasadyang saktan, mapapatawad kaya ako? Ano kayang mararamdaman nila sa oras ng kamatayan ko? Paano ang ibang tao? Paano nila ako pag-uusapan???
Pambihira ka naman wala ka na ngang hininga sasabihin pa rin ng ibang tao ang iniisip at inaalala mo. E, paano naman 'to? ang pinakamabigat sa lahat...paano pagkaharap ko na ang Diyos? (swerte ko kung siya ang makakaharap ko) anong sasabihin ko sa kanya? o mas tamang sabihin anong isasagot ko sa kanya kapag tinanong niya ko ng " Anak, handa ka na ba? Nagawa mo ba ang inaatas ko sayo? Naging mabuti ka ba sa iyong mga kapatid? Paano mo sila minahal? Ikaw, ang sarili mo, paano mo ito minahal? paano mo pinalago ang butil na ibinigay ko sayo???

Kamatayan...kailangan bang ito pa ang maging daan upang magising tayo sa mahaba nating pagkakahimbing? Kailan, kailan natin aayusin ang buhay at ang mundong hiniram lang natin sa kanya. Hihintayin pa ba nating maging huli ang lahat? Huwag naman sana...