Wednesday, January 14, 2009

Balik-Tanaw

Umaapaw sa galak ang puso ko na matagal na naging uhaw sa pagsusulat. Di magkanda-maliw ang mga kwento at boses na naglalaro sa isipan ko. Salamat sa aking kaibigan na si che na muling pumukaw sa aking matagal na pagkakahimbing. Muli kong narinig ang tinig ng maliit na tao sa loob ko na matagal ng sumisigaw na " Palayain mo ako!Kailangan mo ako!Ako ang iyong kasiyahan! Ako ang iyong puso at kaluluwa! dahil sa ayaw at gusto nila Ikaw ay isang MANUNULAT!(ang taray!)

Noong bata pa ako,ang kadalasan kong laro ay ang pagharap sa harap ng salamin at ang pag-arte ng iba't-ibang eksena na naglalaro sa isipan ko. Kasabay noon ang pagbibihis ko ng samu't saring kasuotan gamit ang damit at sapatos ng nanay ko. Alam ko sa sarili ko na gusto kong umarte sa entablado dahil ito ang talentong alam kong ibinigay sa akin. Kaya malimit sa mga beuty contest na sinasalihan ko pag-arte ang nagiging talent presentation ko.( di pa nddevelop ang singing voice ko that time & it doesn't mean na matigas katawan ko ha! - defensive..bwahahaha!)And take note:wala pa akong beauty contests na sinalihan na hindi ako ang nanalo, kasali din dun ang JS prom ha.Bigla ba nagulo buhok nyo sa lakas ng hangin? Pagbigyan nyo na ako 'no! Minsan lang ako maging proud sa sarili ko!:-)

Hilig ko na rin ang pagsusulat.Tuwing may presentation kami sa klase nung elementary ako hanggang college hindi pwedeng hindi ako mkikigulo. Kulang ang buhay kapag hindi ako nakialam.Dahil alm ko sa sarili ko na may maitutulong ako. Naalala ko tuloy nung highschool pa ako,kasali ako sa Ms. Ecology namin, as usual beauty contest pa rin...ciemps w/brains ka rin dapat. Ayun ang mama ko natataranta dahil ilang araw n lang ang contest pero wala pa rin akong maayos na talent number. Samantalang yung mga kalaban ko, panay ang kuha ng mga bading na propesyonal na magtuturo sa kanila ng iba't-ibang talento(di yun applicable sa 'men..limited lang ang budget namin). abi ko nga kaya ko rin namang sumayaw at kumanta kaso di ko feel plus the fact na baka panalo na sana...natalo pa dahil sa pagkanta(hahahaha). At tsaka yun nga mas feel ko pa rin ang umarte...kaya yung mismomg araw na natataranta nanay ko kaagad kong hinarap ang ballpent at blankong papel. Saka pinagana ag aking imahinasyon...isang upuan ko lang at natapos ko ang kauna-unahang declamation piece na nagawa ko.

Tungkol yun sa isang babaeng mababa ang lipad na nagtatanong sa mga taong hu,muhusga sa kanya kung sino sa kanila ang walang kasalanan. Kung kasalanan ba niya nag mapadpad sa ganoong klaseng trabaho matapos siyang maloko ng taong inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng maayos na trabaho sa ibang bansa. Kung kasalanan niya ba na maaga silang naulila sa nga magulang kung kaya't kailangan niyang kumilos at tiisin ang trabahong kailanman ay di niya ginusto para lang mabuhat at mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang mga kapatid.

Ang sunod namang declamatin piece na naisulat ko ay tungkol sa isang bata na taga-Olongapo na si Bernadette. Sa murang idad niya ay di niya maintindihan kung bakit iba-iba ang lalake na kinakasama ng nanay niya. At sa tuwing itatanong niya kung sino sa mga iyon ang tatay niya...ang laging sagot sa kanya ay "basta, Amerikano ang tatay mo!".

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun ang mga tema ng mga isinusulat ko masyadong malalim, madrama...yung tagos sa puso ng mga manonood. Gusto ko kapag narinig nila ang istorya yung maaantig ang mga damdamin nila at mismo sila ay madadala hanggang mapaiyak ko rin sila. Pero pagdating namn sa pagsusulat ng mga play o dula light lang ang istorya na isinusulat ko. Gusto ko namn yung ma-eentertain yung mga manonood...yung mkikita ko silang nag-eenjoy at pagkatapos ng palabas ay may aral silang mapupulot.

Ano nga kaya ang naging buhay ko ngayon kong tinahak ko ang landas ng pagsusulat...Siguro co-writer n ako ng aking idol na sina MR. RICKY LEE at OLIVIA LAMASANG. Sarap siguro ng feeling yung makita ko pangalan ko ulet sa tv or cinema screen.Who knows??? I'm still young and nothing is impossible...

pahabol lang...alam nyo ba na isa ako sa mga pumila ng pagkahaba-haba sa ABS-CBN noon para sa scriptwriting workshop nila...di lang ako pinalad. At noong may pagkakataon na, nakasali ako sa scriptwriting workshop sa UP Diliman naging hindrance namn yung trabaho ko. Ganun din ang nagyari nung tinawagan ako ng Star Cinema kasalukuyang nasa Cebu ako dahil rin sa trabaho. Siguro di ko pa time yun o pedeng hindi para talaga sa akin.Okay lang, masuwerte pa rin ako dahil naigyan naman ako ng chance na makapg-work w/ Direk Gina Alajar and w/other big stars. Karangalan ko yun. Dito na lang ako bawi..hanggang dahan-dahan pa lang ulet ako lumalabas sa aking lungga.:-)

2 comments:

chE said...

hahahah naks special mention hahaha thanks... hays... follower na ko ng blog mo... uu nga kasali ka nga sa mga contest. naalala ko pa nun nagdeclaim ka ahhaha litte miss nanalo ka hahaha talo kame..shocks

Gelai said...

naks! special mention nga ikaw che! hi CHE...katukayo mo pala ang friendship at ka office mate namin si cherrylou creencia...keep posting! very entertaining!